Ubuntu Forums Archive Viewer

Problema sa pag-install ng Ubuntusa loob ng Windows!

Archived thread 1000571 from Philippine Team. Markdown source: Philippine_Team/thread_1000571_Problema_sa_pag-install_ng_Ubuntusa_loob_ng_Window.md

Original URL About this archive
#1

Kumusta!

Ako ay isang baguhan sa paggamit ng Ubuntu.

Nagdownload ako ng Ubuntu at ininstalled ko sa loob ng Windows ngunit kapag matatapos na ang pakokopya nito ito ang dialog box na dinidisplay nya...

[[IMG]http://img151.imageshack.us/img151/7571/errordn0.th.gif[/IMG]](http://img151.imageshack.us/my.php?image=errordn0.gif)

Ano kaya ang sanhi ng problemang ito?

#2

magandang hapon. :)

ang mga pangitain ay nagsasabing, malamang.. ang CD ay may sira? (may pagkaktaon kasi na may error sa pagsulat ng DATA sa CD, at tulad nang sabi nang dialog box, maaring may ibang gumagamit nang cd-rom ( may maliit na chansa na mangyari)

paki verify na lang din po sa MD5SUM nang ISO, at

ulitin nyo din po ang pag burn nang ISO sa isang blank na mababang burn speed.

#3

loell said: magandang hapon. :)

ang mga pangitain ay nagsasabing, malamang.. ang CD ay may sira? (may pagkaktaon kasi na may error sa pagsulat ng DATA sa CD, at tulad nang sabi nang dialog box, maaring may ibang gumagamit nang cd-rom ( may maliit na chansa na mangyari)

paki verify na lang din po sa MD5SUM nang ISO, at

ulitin nyo din po ang pag burn nang ISO sa isang blank na mababang burn speed. Nainstalled ko naman po ng maayos ng ginawa ko ang full install kaya lamang ay ginamit nya ang unused space ng back-up drive ko, mainam sana kung sa system drive na lang sya naginstall.

Maari ko po bang iuninstall ang Ubuntu sa loob ng Windows at kapag nag-reinstall ako anong option ang pipiliin ko para baguhin ang path drive kung saan gusto ko syang ilagay?

Ako po kasi ay hindi makapag-back-up ng aking mga files sapag mapakarami po nito at hindi ko maaring irereformat ang back-up drive.

#4

loell said: magandang hapon. :)

ang mga pangitain ay nagsasabing, malamang.. ang CD ay may sira? (may pagkaktaon kasi na may error sa pagsulat ng DATA sa CD, at tulad nang sabi nang dialog box, maaring may ibang gumagamit nang cd-rom ( may maliit na chansa na mangyari)

paki verify na lang din po sa MD5SUM nang ISO, at

ulitin nyo din po ang pag burn nang ISO sa isang blank na mababang burn speed. P.S.

Wala namang problema ang disc, nagboot ako sa CD at ginawa ko ang check disc for error ngunit negatibo naman ang resulta. Ang mensahe sa dialog box ay "Could not access the CD, please make sure other applications are using it and try again."

#5

ah.. ganun pala.

ang totoo ay hindi ko po nasubukan ang WUBI(ubuntu sa loob ng windows) ;)

baka may kasamahan tayo na mas may karanasan sa bagay bagay na ito,

nga pala, bago ang installation progress bar , may nakita ba kayo na pwede nyong mapag-pipiplian sa kung saan i-install?

#6

Malabo nga yan. Maari ngang may ibang programang nakikigamit ng cd drive mo. Maari mong subukang huwag mag-bukas ng kahit anong ibang programa habang nagiinstall ng WUBI sa loob ng Windows.

#7

bro wag ka magpakahirap install wubi pwede mo naman subukan ubuntu inside xp with virtual box or dual boot ka.

#8

suhestiyon ko lang sa ating kaibigang otniuqyrreg:

kung gusto mo talaga mag-wubi datapwat ayaw mag-install ang ubuntu sa loob ng windows sa kadahilanang may aplikasyong gumagamit ng CD-ROM drive, maaari niyong subukang i-boot ang windows sa safe mode at i-install ang ubuntu doon.

#9

Maraming salamat sa inyong mga kasagutan kahit naresolba ko na ang aking problema bago ko nabasa ng mga ito. Ngunit nakadagdag naman ang mga ito ng kaalaman at maari ko itong magamit o maisalin sa iba pang mga baguhan na gustong gumamit ng Ubuntu.:idea:

Sa ngayon nasira ang Windows ko bigla na lang itong nag-hang tapos ayaw ng magboot maging sa Ubuntu, sa opinyon ko nasira ang partition ng Windows at Ubuntu kaya magre-reinstall ako ng Windows(kailangan ko ng Windows para matest ko sa IE at iba pang internet browser ang aking mga design) at Ubuntu at puwede ko na silang pagsamahin sa isang hard disk (hep hep.. hooray!).

Ang iniisip ko lang, paano ko kaya aalisin o iuninstall ang partition ng Ubuntu sa aking back-up na hard disk ng hindi ko ito nirereformat?:confused:

Wala kasi akong mapaglipatan ng aking mga back-up files, masyadong madami na ito para iburn sa mga dvd.

Baka mayroon po ulit kayong mga suggestion o solusyon sa aking panibagong suliranin.

Maraming salamat po! Mabuhay po kayo...):P

#10

otniuqyrreg said: Sa ngayon nasira ang Windows ko bigla na lang itong nag-hang tapos ayaw ng magboot maging sa Ubuntu, sa opinyon ko nasira ang partition ng Windows at Ubuntu kaya magre-reinstall ako ng Windows(kailangan ko ng Windows para matest ko sa IE at iba pang internet browser ang aking mga design) at Ubuntu at puwede ko na silang pagsamahin sa isang hard disk (hep hep.. hooray!).

Ang iniisip ko lang, [B]paano ko kaya aalisin o iuninstall ang partition ng Ubuntu sa aking back-up na hard disk ng hindi ko ito nirereformat? [/B] Wala kasi akong mapaglipatan ng aking mga back-up files, masyadong madami na ito para iburn sa mga dvd.

Baka mayroon po ulit kayong mga suggestion o solusyon sa aking panibagong suliranin..

Maari po ninyong subukan ito [[[COLOR="Red"]Link[/COLOR]]](http://www.partition-tool.com/personal.htm) apir... :guitar:

#11

Lord Kaiaphas said: Maari po ninyong subukan ito [[[COLOR="Red"]Link[/COLOR]]](http://www.partition-tool.com/personal.htm) apir... :guitar:

Maraming salamat po ulit at sa pangalawang pagkakataon ay nakahanap ako ng solusyon sa aking problema... :lolflag: