Mga 'Tol,
Una, pasensya na kung ingles ang ginamit ko nung unang post ko dito. Yun kasi ang pangunahing wika na ginagamit ko.
Tanong lang. Mga ilang linggo pa lang ako gumagamit ng dual boot na XP at Ubuntu pero mas gusto ko nang gamitin yung Ubuntu.
Balak ko nang mag reinstall na purong Ubuntu lamang at wala nang XP. Nagkakaproblema na ako ngayon tuwing medyo marami na akong nakabukas na windows at biglang titirik ng konti yung system ko at biglang magtatayp nalang ng letrang "n" na sunod sunod maski hindi pinipindot yung keyboard.
Ang payo sa akin ng kaibigan ko, i-back-up ko lang yung "Home" folder at masesave ko na yung mga email, contacts, bookmarks, at mga dokumento ko.
Tama ba ito?
Sana mabalikan ninyo ako kaagad at balak ko kasing mag reinstall sa susunod na mga araw.
Salamat at sana may makatulong sa akin. :p