Ubuntu Forums Archive Viewer

what is piracy

Archived thread 1047888 from Philippine Team. Markdown source: Philippine_Team/thread_1047888_what_is_piracy.md

Original URL About this archive
#1

bit torrent is embeded sa newer version ng ubuntu bakit nila nilagyan ng ganitong tools since copyrighted materials are protected. does this means may exceptions ang peer-to-peer file transfer?

how about sa celfon natin, at marami pang mga bagay na naipasa digitally na may copyright proteksyon.

not yet able to download pala sa mga paborito ko music sa pc ko with this copyright law.. nakikinig lang kami sa fm station..may open source ba na music or video at para naman mapahinga ko na radio ko at ang ingay ng mga fm dj..

any A for my Q?

#2

bit torrent is embeded sa newer version ng ubuntu bakit nila nilagyan ng ganitong tools since copyrighted materials are protected. does this means may exceptions ang peer-to-peer file transfer?

Hello po.

  1. What do you mean po by "exceptions sa peer to peer file transfer"?

If you mean to say, kung illegal ang peer to peer file transfer, ang masasabi ko po ay hindi po illegal ang peer to peer file transfer. Nagiging illegal po ang ptpft kapag ang "file" na na tinatransfer ay copyrighted, halimbawa mga pelikula.

  1. "Bittorrent is embedded sa newer version ng ubuntu"?

a. Hindi ko po sigurado kung tama po ang terminong embedded para sa bittorrent. Siguro po, installed.

b. Ang bittorrent po ay isang network protocol para makapagtransfer ng files sa pamamagitan ng hash. Kinakailangan po ng isang bittorrent client para magawa ang proseso na ito. Ang "default" bittorrent client po sa ubuntu ay ang transmission (para sa gnome).

Parang kutsilyo po, hindi bawal ang mag may ari nito, pero bawal ito gamitin sa tao...

how about sa celfon natin, at marami pang mga bagay na naipasa digitally na may copyright proteksyon.

Ano po ulit yung tanong?

may open source ba na music or video at para naman mapahinga ko na radio ko at ang ingay ng mga fm dj..

As aking pagkakaalam meron pong ganito, subalit hindi po "open source" ang tawag sa music kasi wala naman pong source code na maioopen sa music. Nakalimutan ko po ang tawag pero parang creative commons license po ata. Marami pong uri ng mga tinatawag na license na angkop sa iba't ibang bagay mapamusic man o source code.

#3

pigy pongy sa gongu pu po poo

#4

hahaha oo nga naman bkit po ng po h ang bata ko pa para galangin...

yup bundled i think is the appropriate term, my bad...

ya i agree di bawal kaya nga sinabi ko exceptions sa copyright...

well bawal din pala magdownload ng mga songs or kahit ano from limewire since eto rin ay isang bittorrent client:(....

ibig ko sabihin sa open music is somebody who hosts music files sa web na pwede gamitin for personal or whatever...

i have copied a casete tape to cd ng isang compilation ng sayaw pilipinyana(tinikling, itik-itik,etc) for our baranggay fiesta then i will be charge of piracy?

di ba eksemted kung gamitin lang for personal use kung selling siguro no need to justify...

#5

pasensya na sa mga tanong ko about piracy kc may inet shop ako at gusto ko lang makasiguro kahit nga ubuntu lahat OS ko gusto ko pa rin malaman ang mga limitations sa pagamit nto sa inet shop.mahina kc ako sa ingles kaya you interpret the eulas and copyright para sa kaparehas ko na mahina sa ingles..hehhehehhe

thats why i'm asking about the limewires, peer-to-peer clients atibapa....

#6

Limewire and Torrent clients are legal software, most of the stuff shared aren't legal.

#7

boyet said: bit torrent is embeded sa newer version ng ubuntu bakit nila nilagyan ng ganitong tools since copyrighted materials are protected. does this means may exceptions ang peer-to-peer file transfer?

File sharing *does not automatically qualify* as piracy.

Piracy is basically infringement on one's intellectual property rights (including copyright). People can share files without infringing on other people's rights *if the rights holders allow their files to be shared*.

Case in point: The Ubuntu OS can be shared through BitTorrent. This is not piracy because the makers of Ubuntu, who own the rights to it, allow people to share it.

..may open source ba na music or video at para naman mapahinga ko na radio ko...

If you want good music that is not necessarily made by well-known artists, try Jamendo. :D

#8

Samhain13 said: File sharing *does not automatically qualify* as piracy.

Piracy is basically infringement on one's intellectual property rights (including copyright). People can share files without infringing on other people's rights *if the rights holders allow their files to be shared*.

Case in point: The Ubuntu OS can be shared through BitTorrent. This is not piracy because the makers of Ubuntu, who own the rights to it, allow people to share it.

If you want good music that is not necessarily made by well-known artists, try Jamendo. :D

wow galing ng jamendo pwede ko na download sa pc ko at personal mp3 hehehhee..actually di ko kc ma playsabaysabay streaming at rythmbox di ko alam bakit kahit magopen ako ng audacity tapos open ko rin rythmbox at skype/ekiga mag error ang isa sa kanila. i obseve dati kc sa xp pwede mo sabay lahat na playable audio pero dito sa 8.04 machine ko hindi. isa pa sana to sa issue na dapat kong itanong but i'll deal with this audio problem sa ibang thread na lang.. that satisfies my last Q...

#9

^ It must be a PulseAudio + ALSA issue kung 8.04 ang gamit mo. Ang ginawa ko, tinanggal ko na lang yung PulseAudio at ALSA na lang ang ginagamit ko. Seach mo na lang yung related topics or upgrade to 8.10. ;)

#10

ah ok ty tingnan ko ngayon to audio issue sa machine ko....sana nilagyan na lang to ng shoutbox para kung may nagonline na kabro andali makipagcomm

#11

boyet said: hahaha oo nga naman bkit po ng po h ang bata ko pa para galangin...

Lahat ng tao ay kagalang galang.

Pasensya na nahihirapan ako sagutin ang ibang mga tanong mo, kasi nahihilo ako pag pang txt ang mga nakasulat sa webpage.:popcorn:

#12

boyet said: pasensya na sa mga tanong ko about piracy kc may inet shop ako at gusto ko lang makasiguro kahit nga ubuntu lahat OS ko gusto ko pa rin malaman ang mga limitations sa pagamit nto sa inet shop.mahina kc ako sa ingles kaya you interpret the eulas and copyright para sa kaparehas ko na mahina sa ingles..hehhehehhe

thats why i'm asking about the limewires, peer-to-peer clients atibapa....

Ngayon ko lang to napansin— hehe, pasensya na at hindi kasi masyadong nagbabasa.

Ganito:

  • Wala kang maling ginagawa kung ang mga computer sa shop mo ay may Limewire, Transmission, etc. In short, tulad ng nabanggit na, hindi sila ipinagbabawal na software.
  • Responsibilidad ng mga gumagamit ng computers mo na huwag mag-download ng mga hindi nila dapat i-download. Kasama na dito ang pirated material, viruses, porn, etc.
  • Para manatili kang "safe", burahin mo lahat ng downloads ng mga tao na naiiwan sa mga computers mo on a frequent, regular basis (siguro kahit tuwing bago ka magsara ng shop). Sa ganitong paraan, hindi ka maaaring akusahan na nagtatago/namimigay/nagbebenta ng pirated content.
#13

@samhain, yes thats true di ko kc mcontrol kung anu ang mga nai-download ng mga customer pero naka-glue lahat usb ports exept para sa mouse...

gagawin ko yan maglinis b4 closing sa shop...hehehhe virus? ang alam ko libre....

#14

^Come to think of it. Bakit hindi ka gumawa ng isang custom "session folder" para pag-login ng customer, dun lahat itatambak yung files na gagamitin at ida-download niya; tapos, pag-logout ng customer, may script na magbubura ng lahat ng laman nung session folder na yun?

#15

oo nga ano...ngayon ko lang naisip so lahat na mga transactions ng customer doon lahat sa folder kahit settings ng limewire atibpa

#16

Manlamang na tinutuwid mo ang isang pagkakamali sa pagkakaintindi ng bagay-bagay pang-Computer. Marapat na rin sigurong ituwid ko ang iba sa pagkakamali mo.

dannybuntu said: b. Ang bittorrent po ay isang network protocol para makapagtransfer ng files sa pamamagitan ng hash.And pag-hash ay ginagamit lamang kapag nai-pasa na ang data (o file) sa kabilang computer. Ito ay para masuri na walang nagawang pagkakamali sa pag-pasa ng data.

Marapat sigurong basahin ng mabuti ang BitTorrent (protocol)) at Hash.

dannybuntu said: As aking pagkakaalam meron pong ganito, subalit hindi po "open source" ang tawag sa music kasi wala naman pong source code na maioopen sa music. Nakalimutan ko po ang tawag pero parang creative commons license po ata. Marami pong uri ng mga tinatawag na license na angkop sa iba't ibang bagay mapamusic man o source code.Ang Open Source ay isang metodolohiya. Kahit anung industriya ay pwedeng gumamit ng ganitong pamamaraan sa kanilang produksyon.

Ang pelikulang Elephants Dream ay ang unang Open Source na pelikulang animation. Wala pong source code dito.

May mga ibang music artist/ music studio na gumagamit ng metodolohiyang Open Source sa kanilang produksyon. Isang halimbawa ay ang Open Source Music (OSM). May mga Musikerong Pilipino ring gumagamit ng pamamaraang Open Source -- paumanhin at nalimutan ko ang link sa kanilang website.

#17

boyet said: i have copied a casete tape to cd ng isang compilation ng sayaw pilipinyana(tinikling, itik-itik,etc) for our baranggay fiesta then i will be charge of piracy?

di ba eksemted kung gamitin lang for personal use kung selling siguro no need to justify...

Ang tipikal na copyright ng musika ay ipinagbabawal ang pag-papatugtug sa mga okasyon (gaya ng fiesta, etc).

Ito ay malugod na sinusunod ng mga station ng radio. Kaya nirarapat na lisensyado ng KBP ang mga DJ, upang kahit ano pa ang ipa-tugtog nila sa station, sila ay napahintulutan ng music-studio (yung mga nagmamay-ari ng copyright) sa ngalan KBP.

#18

creek23 said: Ang tipikal na copyright ng musika ay ipinagbabawal ang pag-papatugtug sa mga okasyon (gaya ng fiesta, etc).

Ito ay malugod na sinusunod ng mga station ng radio. Kaya nirarapat na lisensyado ng KBP ang mga DJ, upang kahit ano pa ang ipa-tugtog nila sa station, sila ay napahintulutan ng music-studio (yung mga nagmamay-ari ng copyright) sa ngalan KBP.

ah ok medyo malinaw na sa akin ang lahat...

#19

boyet said: ah ok medyop malinaw na sa akin ang lahat...

:D

Duda ako at may "medyo". ;)

#20

well for me kung copying for your own needs.. di sya mag seserve as piracy. unless kung orignal collector ka..

pero kung nag copy ka pero ginagamit mo naman sa profitable things or ibinebenta mo uli para kumita ka piracy yun..

ang copyrighting..

sa time nating ngayn di na uso ang copyright it just only serve as credit for sino man ang magsimula nito... madali lang maiwasan ang copyright..

letsay hit box na kanta ngayn... baguhin mo lang ang beat tono kaunting line ng lyrics.. pde mo na ito ipa copyright or ipa pattent ng sarili mo.. at makapang yarihan na ang internet kasi mula sa pag broadcast ng compose mo sa youtube ang ito ay pumatok automatic magging sikat ka agad.. for example yung kumanta nalang na babae yung tagalog version ng bleeding in love.. without recording studio, or any radio.. na feature sya sa mga ilang telebisyon at biglang recording artist agad..

saka ang piracy si billgates din ang nag pasimula nyan..

bakit?

para mas madali makita ang mga bugs,glitches or wathever ng mga softwares nila.. then mag lalabas sila ng mas higher version or edition cguro napapansin nyo di masyado sikat ang vista kasi public test ang nangyari dito so far sa ngayn mas takilya ang windows7...

#21

Ang pelikulang Elephants Dream ay ang unang Open Source na pelikulang animation. Wala pong source code dito.

Meron. Ang Elephants Dream ay ginawa gamit ang Blender 3D software, na isang Open Source software. Ang mga file naglalaman ng mga elementong ginamit sa paggawa ng Elephants Dream ay maaaring makuha dito: http://orange.blender.org/production-planning.

Kaya nirarapat na lisensyado ng KBP ang mga DJ, upang kahit ano pa ang ipa-tugtog nila sa station, sila ay napahintulutan ng music-studio (yung mga nagmamay-ari ng copyright) sa ngalan KBP.

Hindi tungkulin ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas ang pangalagaan ang copyright ng mga musikero bagaman isa sa mga alituntunin nila ang responsableng pagsasahimpapawid. Ang KBP ay hindi tulad ng Professional Regulation Commission na nagbibigay ng lisensya sa mga taong nais maging propesyonal. Maaaring magtrabaho na bilang DJ ang isang tao kahit na hindi siya rehistrado sa KBP. Alam ko ito dahil nakapagtrabaho na ako bilang DJ, at may mga kakilala akong nakapag-DJ din, na walang pinanghahawakang kahit-ano na mula sa KBP.

Ang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa mga karapatang tulad ng copyright ay ang Intellectual Property Office. Sa usapan ng musika, maaari pa na ang mga grupong tulad ng Philippine Recording Industry Music Association (PRIMA) ang may mas malaking interes sa music copy- at broadcasting rights kaysa sa KBP.

#22

Its just an old outdated business model that needs revamping like the U.S. patent system.

#23

Samhain13 said: Meron. Ang Elephants Dream ay ginawa gamit ang Blender 3D software, na isang Open Source software. Ang mga file naglalaman ng mga elementong ginamit sa paggawa ng Elephants Dream ay maaaring makuha dito: http://orange.blender.org/production-planning.

Ito po ay data file na-ipo-processo ng Blender. Ang mga digitally-produced music (kahit hindi ginawang open source) ay may mga data files din. Maaari naman sigurong tawaging source files... pero hindi source code.

Ang data file ay maihahalintulad din sa mga .DOC, .PPT, .XLS na mga file na nagmumula sa paggamit ng Word, PowerPoint, o Excel.

#24

Ang mga binanggit mong file types ay gumagamit ng XML (Google: "ODF vs OOXML"). Ang XML, depende sa gamit, ay maaari din tawaging source code tulad sa gamit ng XHTML, MathML at SVG. May halo silang data, may halo din silang instructions tulad ng embedded Javavascript at CSS (hindi lang data ang mga ito). Ultimo ang "markup" ay hindi lamang data (ang data ay ang mga binabalutan ng tags o nilalaman ng attributes); ang markup ay may mahalagang ibig-sabihin sa mga user-agent o host applications. Kaya nga sa iyong browser, ang sabi ay "View Source" at hindi "*View Data*".

Ganito din ang .blend files. At kung tutuusin, mas komplikado pa ang mga ito kaysa sa mga popular na XML formats. Ang Blender ay hindi lamang "drawing software" na gumagawa ng mga .gif, .jpg, atbp. data containers. Maraming interaction ka na puwedeng gawin sa Blender gamit ang "GameEngine" o Crystal Space, na tumatanggap ng C++ at/o Python instructions na na sa loob ng .blend files. Ang .blend files ay naglalaman din ng mga instruction para sa Compositing at Animation (hindi lang ako sigurado kung ito'y Python o C++ o halo) kung gagamitin mo ang Blender sa paggawa ng mga palabas gamit ang Video Sequence Editor.

#25

Samhain13 said: ...Ang KBP ay hindi tulad ng Professional Regulation Commission na nagbibigay ng lisensya...

Ang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa mga karapatang tulad ng copyright ay ang Intellectual Property Office. Sa usapan ng musika, maaari pa na ang mga grupong tulad ng Philippine Recording Industry Music Association (PRIMA)...

Mali po ako sa paggamit ng salitang lisensya -- paumanhin. Ang nais ko pong sambitin ay pahintulot.

Ang aking kaalaman ukol sa KBP at DJ ay nagmula lamang sa kaibigan kong DJ.

Samhain13 said: ang sabi ay "View Source" at hindi "*View Data*". Opo. At hindi po "View Source Code".

Samhain13 said: Maraming interaction ka na puwedeng gawin sa Blender gamit ang "GameEngine" o Crystal Space, na tumatanggap ng C++ at/o Python instructions na na sa loob ng .blend files

Ngunit hindi po laro ang Elephants Dream -- isa po syang animated film.

----- Mawalang galang, ngunit wala po atang magandang patutunguhan ito kung kaya't marapat lang na wakasan na. ;)

#26

Ngunit hindi po laro ang Elephants Dream -- isa po syang animated film.

/facepalm

Ang punto nga ng pagkakalat nila ng source files ay para magamit mo ang mga elementong ginawa para sa pelikula sa iba pang paraan. Dahil na sa iyo ang .blend files, maaari mo silang gamitin bilang worlds o characters sa iyong ginagawang laro; maaari mo silang baguhin at gamitin sa iba pang palabas; atbp.

Siguro, mabuting pag-aralan mo din gumamit ng Blender 3D para maintindihan mo na hindi lamang raw data ang nilalaman ng mga file na ukol sa kaniya. Mahirap yung puro tayo argumento tapos hindi pa pala natin nasubukan yung sinasabi natin na hindi-ganito-hindi-ganoon.

Mali po ako sa paggamit ng salitang lisensya -- paumanhin. Ang nais ko pong sambitin ay pahintulot.

Hindi mo kailangan ng pahintulot mula sa KPB para magpasahimpapawid ng kahit-ano. Hinihingi ang mga ganitong pahintulot mula sa **NTC**. Ang KPB ay isa lamang samahan ng mga propesyonal sa industria ng pagsasahimpapawid na may iisang saloobin o bisyon ukol sa kanilang propesyon.

Opo. At hindi po "View Source Code".

Tanong: FOSS = Free Open Source Code Software? :P

#27

pero kung back-up lang for private archives pwede cguro but not distribute or sell it to friends....praktis ko kc yung mga orig na audio test materials ay e-burn ko tapos yun ang ginagamit ko during my work di naman cguro violation yun diba?..sometimes nilagay ko rin ang mga content sa laptop, mp3 player or cd...

#28

Para po sa iyong kaalaman, ito po ang naunang mga usapan:

creek23 said: may open source ba na music or video at para naman mapahinga ko na radio ko at ang ingay ng mga fm dj..

As aking pagkakaalam meron pong ganito, subalit hindi po "open source" ang tawag sa music kasi wala naman pong source code na maioopen sa music. Nakalimutan ko po ang tawag pero parang creative commons license po ata. Marami pong uri ng mga tinatawag na license na angkop sa iba't ibang bagay mapamusic man o source code.

Ang Open Source ay isang metodolohiya. Kahit anung industriya ay pwedeng gumamit ng ganitong pamamaraan sa kanilang produksyon.

Ang pelikulang Elephants Dream ay ang unang Open Source na pelikulang animation. Wala pong source code dito.

Yung usapan na yon ay napakasimpleng paglilinaw lamang. Na hindi na dapat abutin pa ng /facepalm...

Samhain13 said: Ang punto nga ng pagkakalat nila ng source files ay para magamit mo ang mga elementong ginawa para sa pelikula sa iba pang paraan. Dahil na sa iyo ang .blend files, maaari mo silang gamitin bilang worlds o characters sa iyong ginagawang laro; maaari mo silang baguhin at gamitin sa iba pang palabas; atbp.

Tama ka po. Pwede mong gamitin iyong mga iyon sa game. Ngunit ang inaalok nilang source files ay hindi ginamit sa game.

Samhain13 said: Siguro, mabuting pag-aralan mo din gumamit ng Blender 3D para maintindihan mo na hindi lamang raw data ang nilalaman ng mga file na ukol sa kaniya. Mahirap yung puro tayo argumento tapos hindi pa pala natin nasubukan yung sinasabi natin na hindi-ganito-hindi-ganoon.

Ako po ay gumagamit din ng Blender. Kung hindi naman games ang paggagamitan sa model, hindi naman kakailanganin lagyan pa ng python script -- gaya na rin ng nakasaad sa Blender.org at artikulo sa Wikipedia#File_format).

Tanong: Game ba ang ED?

Samhain13 said: Tanong: FOSS = Free Open Source Code Software? :P

Sagot: Gaya ng nauna kong nabanggit, ang Open Source ay isang pamamaraan o metodolohiya. ;)

Ayon sa artikulo sa Wikipedia: Open Source Films are films which are produced and distributed by using Open Source Software methodologies.

#29

Na hindi na dapat abutin pa ng /facepalm...

Tama ka po. Pwede mong gamitin iyong mga iyon sa game. Ngunit ang inaalok nilang source files ay hindi ginamit sa game....

[img]http://www.iknowkungfoo.com/images/blog/facepalm.jpg[/img]

Ako po ay gumagamit din ng Blender. Kung hindi naman games ang paggagamitan sa model, hindi naman kakailanganin lagyan pa ng python script -- gaya na rin ng nakasaad sa Blender.org at artikulo sa Wikipedia...

Saan mo nakita na walang program code ang mga elementong ginamit para sa Elephants Dream? Saan mo nakita na hindi ginamitan ng Python o ng iba pang paraan ang mga Armature na silang nagpagalaw sa mukha at sa katawan ng mga personahe sa pelikula? Saan mo nakita na ang editing files na ginamit nila sa VSE ay hindi ginamitan ng Python o ng iba pang paraan?

Ayon sa artikulo sa Wikipedia: Open Source Films are films which are produced and distributed by using Open Source Software methodologies.

Saan dito sinasabi na walang source code ang ED?

--[edit]--

Pero heto, screenshot. Nakuha ko ang file na ito, dito: http://video.blendertestbuilds.de/download.blender.org/ED/DVD1/production/lib/ sa scripts.tar.gz. Ang pangalan ng file ay cam_sub.blend, at may laman itong Python Source Code.

Eh bakit ganun, hindi naman laro ang ED?!!! Kasi... :D

#30

[IMG]http://ubuntuforums.org/images/smilies/eusa_clap.gif[/IMG]

#31

naglabas dati ng complete DVD pack and ED kasama ang source files as well as resources, mesh, etc. not sure if everything was there though (the DVD is now out of print)