Isa ang GNOME Do sa mga aplikasyon na hindi maaring mawala sa'kin kapag gumagamit ako ng Linux. Ito ay isang keystroke launcher gaya ng Quicksilver at Launchy. Sa bago nitong release, mayroon na itong dock, na kung tawagin ay "Docky." Ito na siguro ang dock na magiging dahilan ng hindi ko pag-gamit ng window list applet ng gnome-terminal. Bukod sa Docky, marami ding pagbabago sa GNOME Do bilang isang keystroke launcher. Maraming naayos na bugs, mas mabilis na ito, at iba pa. Subukan ninyo na lang nang inyong makita.
Para ma-install sa Ubuntu, https://edge.launchpad.net/~do-core/+archive/ppa