Ubuntu Forums Archive Viewer

ang tambak sa basurahan ko--virus??

Archived thread 1080298 from Philippine Team. Markdown source: Philippine_Team/thread_1080298_ang_tambak_sa_basurahan_ko--virus.md

Original URL About this archive
#1

sir pano ba tangalin yun mga basura na nasa basurahan ko? is this a virus? sabi kasi ng gf ko na gumagamit sa laptop ko ngayon para sa thesis nila ay nagka-virus daw ang mga flashdrive nila nang ilagay sa kompyuter ko? any comments about this?

#2

nagka virus ang flash-disk nila, malamang at marahil sa dalawang dahilan lang.

  1. yung windows na dinual boot mo ay may virus na ng iinfect ng flash drives, baka nagkataon na ginamit ng iyong kasintahan ang dual boot na windows kaya na-infect ang kanilang mga flash-disk.
  1. ginamit ang flash-disk sa ibang computer na may virus.

kahit hindi natin isanasantabi na ang iyong ubuntu ay may virus din, hindi pa inalathala ang kahalintulad na kaso. :)

#3

hhmmm sa aking pagkakaunawa sa iyong katanungan ay nais mong burahin ang mga bagay na nasa iyong basurahan tama ba?.

#4

loell said: nagka virus ang flash-disk nila, malamang at marahil sa dalawang dahilan lang.

  1. yung windows na dinual boot mo ay may virus na ng iinfect ng flash drives, baka nagkataon na ginamit ng iyong kasintahan ang dual boot na windows kaya na-infect ang kanilang mga flash-disk.
  1. ginamit ang flash-disk sa ibang computer na may virus.

kahit hindi natin isanasantabi na ang iyong ubuntu ay may virus din, hindi pa inalathala ang kahalintulad na kaso. :)

sir loell, hindi po nakadual-boot ang laptop ko,ibex lang yun sir.

1.Gusto ko lang po malaman kung ano tong mga nasa basurahan ko: Kapag po nagbubura ako ng mga malicious file sa flash drive ko(ex.keylogger.exe, pass.exe) na sa tingin ko ay virus na para ng windows(kung tama ako;):p ito ay napupunta sa basurahan ko. Maari ko namang burahin yung mga nasa kapag mag-empty Trash na ako at mawawala na ang mga basura.Pero ayon sa nakikita nyo sa pic sa unang post ko ay yung mga basura na yun,,RECYCLER,RESTORE,SYSTEM na folders ay ayaw mabuara.Ano po ba tong mga to?

2.Pano po kaya ang sinasabi nila na ang mga flash drive nila ay nagkaroon ng virus from a ubuntu kompyuter?Ang sinasabi po nilng virus ay yung RECYCLER.

hhmmm sa aking pagkakaunawa sa iyong katanungan ay nais mong burahin ang mga bagay na nasa iyong basurahan tama ba?.

sir killer_d76.. Gusto ko lang po malaman kung pano tanggalin tong mga basura na to, malaman kung ano ba to at kung nagtranfer nga ba ang virus sa from ubuntu to a flash drive then to the MS box.

Sana po malinawanagan ako..;)

#5

base sa screenshot mo, hindi yun virus, folders lang yun, so wala kang aalahanin.

#6

sa abot ng aking kaalaman.. ang mga RECYCLER,RESTORE at SYSTEM na folders ay ayaw mabura ay dahil may laman ito na mga files na naka-lock pa.. kung maari ay ilabas mo muna sa basurahan at tanggalin mo sa pagkaka-lock (change file access) tapos click mo yung apply permission to enclosed files at saka mo burahin.. yung mga folders na yun, batay sa abot ng aking kaalaman ay likha din ng virus software na kung saka-sakaling burahin sila (delete using windows OS not with an anti-virus software) eh may back-up ba... kung iyong inaalala kung makakahawa ba ito kapag nasa ubuntu environment, base sa aking karanasan ay hindi ito nakakaapekto sa ibang flash drive sapagkat ang .exe files ay hindi gumagana sa ubuntu.

#7

walang recycler na folder ang nanggagaling sa ubuntu... usually kapag nag-delete ka ng files sa flashdrive may .thrash na folder na naiiwan.. ito ay parang trash bin lang kung saan pede mong makuha ulit ang mga files na binura mo.. pero once na tinangal mo na yung flashdrive ay buburahin din ng ubuntu ang lahat ng laman ng .thrash at yung folder lang ang maiiwan.

#8

sir loell.. ok.salamat.:lolflag:

at sir killer _d76 salamat din:lolflag:

May tanong pa: May sitwasyon ba na pwedeng mag-transfer ang mga virus sa isang flashdrive via a ubuntu kompyuter? ex.1.Kung may 2 flashdrive na nakamount sa ubuntu box,yung isang flashdrive ay infected at yung isa naman ay hindi,magtranfer ba ang mga virus na to from one FD to the another?

ex.2.Kung ang network mo ay may mga MS box na infected ng virus at ang kompyuter mo ay linux,maaari ba na ang mga virus ay magpunta sa flashdrive mo na nakamount sa linux kompyuter?

ex.3.Kung nakadual-boot ka ng MS at linux,nagmount ka ng FD sa sa kompyuter mo habang nakalinux ito,ang mga virus ba from MS file system ay maiinfect ang FD mo?gaya din ng example ni sir loell

#9

guitar_man said:

May tanong pa: May sitwasyon ba na pwedeng mag-transfer ang mga virus sa isang flashdrive via a ubuntu kompyuter? [B]

  • base sa aking karanasan di pa ito nangyayari sa'kin at di ko pa ito sinubukan.[/B]

ex.1.Kung may 2 flashdrive na nakamount sa ubuntu box,yung isang flashdrive ay infected at yung isa naman ay hindi,magtranfer ba ang mga virus na to from one FD to the another? [B]

  • hindi makakaapekto ang FD na tadtad ng virus kasi hindi gumagana ang .exe file na kung saan kadalasan ay ito ang extension file ng mga Windows virus that is activated by autorun.inf file... kung sabay na naka-mount sa ubuntu box ang 2 FD at si FD1 ay may virus at si FD2 ay malinis, hindi mahahawa si FD2 kay FD1 hanggat wala kang files na kinokopya na magmumula kay FD1 papunta kay FD2.[/B]

ex.2.Kung ang network mo ay may mga MS box na infected ng virus at ang kompyuter mo ay linux,maaari ba na ang mga virus ay magpunta sa flashdrive mo na nakamount sa linux kompyuter? [B]

  • hanggat wala kang virus files na nakokopya mula sa MS Box patungong FD ay hindi ito maiinfect tulad ng aking pagkaka-intindi hindi gumagana ang .exe files sa Linux.[/B]

ex.3.Kung nakadual-boot ka ng MS at linux,nagmount ka ng FD sa sa kompyuter mo habang nakalinux ito,ang mga virus ba from MS file system ay maiinfect ang FD mo?gaya din ng example ni sir loell

- ang sagot ay maaring katulad ng sagot sa ex.2

nawa'y naipalawanag kong mabuti ang aking mga kasagutan. :lolflag:

#10

sir killer_d76 salamat sa mga sagot mo..nakatulong talaga ng malaki. Ganunu din naman ang opinyon ko sa mga tanong ko. Nagtataka lang talaga ako sa classmate ng aking kasintahan(gaya nga ng sabi ni sir loell):lolflag: Sinisisi nila ang kawawa kong laptop sa pag-kakaroon ng virus ng mga flashdrive nila:(

#11

guitar_man said:

Sinisisi nila ang kawawa kong laptop sa pag-kakaroon ng virus ng mga flashdrive nila:(

heheh kawawa ka naman :lolflag:,

sa kaso ko, kabaliktaran ang nangyayari , since kadalasan na flashdrive type virus ay hidden file type sa windows box, pero sa ubuntu box ay kitang kita yun as ordinary file type na may extension na *.exe / *.vbs(vb script) / *.sys

yung ubuntu box pa ang naging kasangkapan para ma remove yung mga virus ng thumb drives ng kababata kung kapatid sampu ng kanyang mga kaeskwela ng gumagamit din ng mga flash disk. :)

#12

guitar_man said: Ganun din naman ang opinyon ko sa mga tanong ko.

Nagtataka lang talaga ako sa classmate ng aking kasintahan(gaya nga ng sabi ni sir loell):lolflag: Sinisisi nila ang kawawa kong laptop sa pag-kakaroon ng virus ng mga flashdrive nila:(

CHELETS kamo silang lahat.. ni hindi man lang ba sila nabighani sa kakayahan ng Ubuntu na hindi na nangangailangan man lamang ng kung anong software upang matanggal ang pesteng viruses nila? di man lamang ba nagpasalamat? mga kabataan nga naman! :lolflag:

#13

guitar_man dude.... yung recycler atbp na folder windows virus yan.. dami nako nakita nyan. pwede mo naman syang i-delete kaso lang naka read permission lang ata sya. baguhin mo muna yung permission nya bago i-delete. hehehehe.

ASTIG! :guitar:

#14

Recycler > recycle bin ng windows Restore > system restore folder ng windows System > di ko sure kung alin ito sa windows, system folder?

kung ginagamit niya ang flash drive usually sa windows, may mga windows setup na nag-store ng mga ganitong folders sa flash drive (usually sa mga fixed drive, pero depende sa setup, specially kung naka-cache setup yung removable drives).

Usually, hindi mo ito makikita sa windows (kahit naka-show hidden files ka). pero sa ubuntu (linux) makikita ito... kaya siguro, nung nakita nya, binura nya, kala nya virus dahil hindi nya ito usually nakikita sa windows... so sa aking pag-aanalisa, hindi ito virus. hindi mo ito mabura, kasi malamang nga may permission pa ito na nakaset under windows setting

malamang, may virus na talaga yung flash drive nya... bago pa man gamitin sa ubuntu box mo.. or nagamit sa isang windows computer may virus...

nangyari na kasi sa akin ito... yun lang, walang virus ang flash drive ko....

tama ako,, maliban na lang kung mali... hehehe...

#15

mga sir salamat at nakahanap ako ng kakampi sa inyo:lolflag:

Mga walang utang na loob talagang mga kabataan ngayon..

Sir loell, Yun nga yung ginagawa ng kasintahan ko sa mga virus infected nilang drives. Tinatangal nya yung virus gamit ang Ubuntu,pero sa bandang huli ay ang kompyuter ko pa ang nassisi

sir Killer_d76 Mga walang utang na loob na kabataan ngayon.Hindi man lang nagandahan sa Ubuntu,pero eto ang ginagamit nila para thesis nila. Pero ok na din sa akin yun makita ko lang na ginagamit nila ang ubuntu para sa isang importanteng gawain ay tulad ng thesis nila masaya na ako.Nagamit na nila ang ubuntu at wala sila reklamo kundi nagkavirus ang flashdrive nila:lolflag:

SALAMAT!!!!!!